JUANA LILY TRAVELS | Crossing bridges, mountains, seas

    IndepenDance Lab C
    “Tono” (Voice from the Regions) by Dwight Rodrigazo, Noel Garrovillo, Eli Jacinto, Chantal Primero and Nicole Primero

    Tampok sa VLF ngayong taon mula sa 668 lahok ang 67 tekstong tumatalakay sa sekswalidad, kasarian, karahasan sa kababaihan, kahirapan, lohika ng isang sistema at kapayapaang panloob man o pang-global. Mula naman sa Revisited Set na binubuo ng mga piling dula mula sa nakaraang produksyon, hatid nito ang karanasan ng tao sa harap ng proyektong pangkaunlaran, ng migrasyon at ng pagtindig ng ordinaryo bilang bagong bayani.

    Di gaya ng kulob na emosyon sa Mapagbirong Haplos at mabuway na diskurso ng mga tauhan sa Isang Daan , sa dulang Ang Naghihingalo ay tumitilapon ang mga balidong reaksyon ng mga karakter. Sa talinghaga ni Raymund Reyes, ang dula ay nakakatuwang kritiko sa halaga ng buhay at sa mga buhay pa’y patay na.

    Samantala, maalala ang kaso ni Katrina Halili sa ex nitong si Hayden Koh kaugnay ng pinalaganap na sex video sa Anonymous ni Liza Magtoto. Ang sketch ng emotional blackmailing ay lapat sa ordinaryong Babaeng (Uleb Nieto) itinulak sa komplikadong tunggalian gawa ng Lalaking (Cris Pasturan) nais pagkakitaan ang bulnerableng nakaraan ng tauhan. Ang pagsalita hinggil dito sa kabila ng alinlangang mananatili ang paggalang ng kanyang iniibig (Randy Villarama) ay isang mapangahas na hakbang sa pagpiglas mula sa liberalismong ligaw at pagtanggol tuloy sa sarili upang igiit ang karapatan ng isang Babae.

    Sa pantasya ni Carlo Vergara at direksyon ni Chris Martinez, ang bidang Katulong ay nagpasyang isuot ang papel ng bayani upang maging Leading Lady sa pagpanaw ni Leading Man. Tinataguyod ng dula ang pagtindig ng karaniwnag tao upang harapin ang mga pagsubok mula sulok ng bahay hangang sa buong daigdig.

    Sa kabilang banda, bilang baklang may karapatang magmahal, sinuportahan ni Jewel (Phi Palmos/Ron Alfonso/Jimmy Marquez) si Kenny sa pagbida nito ng kanyang disenyong sapatos (aktuwal na disenyo ni Maco Costudio). Tanging nais ni Kenny ay ang tiwala ng kanyang Ina.

    Hindi maikailang sa katotohanan ng pagpanay ng baha ay matututo ang maralita na tumayo sa sariling paa o kaya’y sa kawalan ng matinong gobyerno, pairalin ang bayanihan sa sariling kakayanan. Walang duda, madiskarte ang maralita.

    Uncensored Bodies Dance Film UP FIlm Institute
    8775 A Work in Progress 8776 by Ruelo Lozendo
    8775 Talk Dance 8776 : a Choreographer 8767 s Forum

    Ang kanyang prospek na si Kenny (Myke Salamon) ay bihag sa internal na pagsukat sa pamumuhunan ng isang ina kaugnay ng pag-aaral at paghahanapbuhay. Sa kabilang banda, ang ina ni Kenny na si Mary Jane (Isay Alvarez-Seña/Kalila Aguilos) ay kapitana’t kilalang tagapagtatag ng industriya ng sapatos sa barangay. Nagkataon ding  landlady  siya ng pamilya ni Aileen at dating ka- love team  ni Kiel. Samantala, ang torpeng si Tolits (Pepe Herrera/Jerald Napoles) ay umaasang madiskubre ng kanyang  big crush  habang ang debeloper ng subdibisyon na si Fernan (Arnel Ignacio/Julienne Mendoza/Nor Domingo) ay tutol sa konsepto ng pagdiskubre ng mga mamamayan hinggil sa hiwaga ng pagbaha at di-paghupa ng baha.

    The festival featured choreography dance pieces as well as by winners of past WiFi Body Fest. Site performances and dance forum were also experienced at CCP.